Nahulian ang isang Grade 10 student ng boga sa loob ng kanyang backpack sa isang paaralan sa Iloilo, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkoles.
Ayon sa PNP, agad na ipinaalam ng mga kawani ng paaralan sa pulisya matapos madiskubre ang isang caliber .38 revolver na may lamang anim na bala sa bag ng 15-anyos na estudyante.
Agad na siniguro ng mga rumespondeng pulis ang armas, tiniyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at kawani, at ipinatupad ang mga kaukulang child-sensitive intervention procedures.
Itinurn-over ang estudyante sa Municipal Social Welfare and Development Office para sa wastong pangangalaga alinsunod sa umiiral na child protection laws.
Samantala, nananatili sa kustodiya ng pulisya ang armas para sa dokumentasyon at kaukulang legal proceedings.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan
