Nasawi ang isang ginang matapos umanong makuryente habang nagsasaksak ng electric fan sa loob ng kanilang bahay sa Cavinti, Laguna.
Kinilala ang biktima sa pangalang Janice, na kalalabas lamang ng banyo mula sa pagligo bago naganap ang insidente sa Barangay Kanluran Talaongan noong Huwebes ng umaga.
Ayon sa paunang ulat, dahil sa matinding init ng panahon ay naisipan ng biktima na isaksak muna ang electric fan kahit hindi pa nakakapagbihis.
Subali’t habang hawak ang kable at basa pa ang kamay, bigla na lamang umano itong nakuryente at nangisay matapos magkaroon ng grounding sa linya ng kuryente.
Agad itong tinulungan ng mga nasa paligid ngunit hindi na naisalba ang kanyang buhay.
Lubos namang nagdadalamhati ang pamilya at mga kaanak ng biktima, lalo’t naiwan nito ang kanyang mga maliliit pang anak.
Samantala, muling nagpaalala ang mga awtoridad sa publiko na mag-ingat sa paggamit ng mga kagamitang de-kuryente, lalo na kung basa ang katawan o kamay upang maiwasan ang kaparehong trahedya.
Trending
- Pia Cayetano nangumusta, naka-move on na sa pagiging emosyonal sa Senado
- DOH todo bantay sa mga border ng bansa vs Ebola
- US green card seekers kailangan nang mag-apply mula sa home country
- PBBM, pinalakas ang ugnayan ng Pilipinas sa Global Development Programs
- Jacamos sasabak para sa bakanting WBC Youth World junior fly sa South Africa
- Rondina, Pons yuko kontra Danish sa Nuvali Challenge opener
- Kathryn at Monmy Min, walang tampuhan
- Maris, namigay ng bigas
