Muling pinabagsak ng South Korea ang Gilas Pilipinas sa score na 69-42, sa kanilang ikalawang tune-up game sa, nitong Linggo, Setyembre 5, 2026—ilang araw bago ang pagsisimula ng Asian Games.
Ito na ang ikalawang pagkakataong tinambakan ng Korea ang Gilas matapos ang una nilang paghaharap noong na nagtapos sa score na 81-55.
Maagang bumomba ang South Korea sa pagsisimula ng first quarter na nagtapos sa score na 19-4. Habang tuluyan namang natuldukan ang first half sa score na 38-14.
Pinangunahan nina Zav Lucero ang Gilas matapos umikit ng 14 puntos at 6 rebounds at Adrian Nocum na may 9 puntos at isang rebound.
Matatandaang kamakailan lamang ng bumaba sa FIBA world ranking ang puwesto ng Gilas mula no. 39 patungong no. 40 bunsod ng naging tapatan ng Sweden at Finland sa FIBA European Qualifiers.
Sa katatapos pa lamang na 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers, iminarka ng Pilipinas ang 2-0 run matapos dominahin ang Jordan na na-extend pa sa overtime at nagtapos sa dikdikang score na 81-80.
Nasundan ito ng laban kontra Iran kung saan muling nanaig ang Gilas sa score na 68-56.
Samantala, nakatakda namang bumalik sa hard court ang Gilas para sa darating na Asian Games kung saan nakatakda nilang sagupain ang Bahrain sa Setyembre 11. Susundan ito ng tapatan nila ng Kazakhstan sa Setyembre 12 at kontra China sa Setyembre 14.
Trending
- Carlos Alcaraz, umusad na sa Quarter-finals ng US Open
- Pilipinas napiling maghost ng last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers
- Janine prinsesa ni Jericho
- Ryan Bang, Max Collins grabe mukbang-an
- Awra Briguela nagulat sa pagkakahawig kay Kendra Kramer
- Water bills lolobo
- 26 estudyante nasawi sa sunog at stampede sa 2 iskul sa DR Congo
- Sarangani niyanig ng 3.9 magnitude na lindol
