Isang buhay na patunay si Ghion Espinosa na kahit guwapo, artista, matangkad at hunk ay nakakaranas din ng ‘cheating’ o panloloko ng kasintahan.
Ibinahagi ng Vivamax sexy stud ang karanasan sa ex-girlfriend tatlong buwan na ang nakakalipas.
Sa panayam namin kay Ghion sa programa namin ni Dondon Sermino kaninang umaga (May 13) ang “Ah Eh-Minin”, ikinuwento nitong wala na uli siyang girlfriend.
Nagloko raw o nag-cheat sa kanya ang dating girlfriend.
Ang rason raw ng girl ay dahil nakita raw nito sa current boyfriend niya ang kung ano ang meron kay Ghion.
Pinagtakhan raw ni Ghion ang ibig sabihin nito, pero tinanggap na lang nya ang desisyon ng ex.
Sa tanong na baka oras at panahon para sa isa’t-isa ang rason? Sumagot naman ang aktor na tatlong buwan din syang nawala dahil nag-trabaho siya.
Hindi isa kundi tatlong beses na raw nakaranas ng ‘cheating’ si Ghion, kaya kahit sya ay nagtataka kung ano ang mali sa kanya.
Baka nga may hinahanap ang mga nakakarelasyon nya na wala sa kanya, kaya naghahanap ang mga ito ng iba, habang mag-dyowa pa sila.
Kasalukuyang nagpo-promote ng kanyang movie si Ghion, ang “Scissors”, isang GL mula sa Vivamax.
Trending
- Cayetano tanggap na ‘di na siya ang senate president
- Teammates nina Baterbonia, Adili nagpakita sa PNP
- 24 North Genesis bus, sinuspinde sa road crash sa Baguio City
- 4 Taiwanese ilegal na pumasok ng Pinas timbog
- P56m droga, buking sa parcel sa NAIA
- 92 puganteng may kasong sexual offenses, naaresto
- CIDG kay Baldwin: ‘Man up’, humarap sa imbestigasyon
- Sen. Bato dapat sumuko nang mapayapa
