Pumanaw sa edad na 35 ang aktor na si Michael Patrick, na nakilala sa kanyang papel sa sikat na seryeng “Game of Thrones”, matapos ang ilang taong pakikipaglaban sa motor neurone disease.
Ayon sa kanyang asawang si Naomi Sheehan, pumanaw ang aktor noong Martes (April 7) sa Northern Ireland Hospice kung saan siya inalagaan sa huling 10 araw ng kanyang buhay.
Napalilibutan umano ang aktor ng kanyang pamilya at mga kaibigan nang malagutan ng hininga.
Noong Pebrero 2023 unang na-diagnose si Patrick na may progressive illness, tatlong taon bago ang kanyang pagpanaw.
Nakilala si Patrick sa kanyang pagganap bilang isang Wildling Rioter sa ikaanim na season ng “Game of Thrones” noong 2016, partikular sa episode na pinamagatang “The Broken Man”.
Bukod dito, naging bahagi rin siya ng iba’t ibang Shakespeare productions at mga palabas sa telebisyon gaya ng “Blue Lights”, “This Town”, “The Spectacular” at “Blasts from the Past”.
Sa madamdaming pahayag sa Instagram, inilarawan ni Sheehan ang kanyang asawa bilang isang inspirasyon sa lahat ng nakakakilala rito.
Binigyang-pugay rin niya ang masayahing personalidad at “infectious laughter” ng aktor.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang pamilya sa lahat ng nagbigay ng suporta sa loob ng ilang taong pakikipaglaban ng aktor sa kanyang karamdaman.
Trending
- Zaldy Co wala na sa kustodiya ng Czech authorities – DOJ
- Paglabas ng pagkakakilanlan ng mga imbestigador, kinondena ng Ombudsman
- Lacson: Mga senador dapat manatiling neutral sa posibleng impeachment trial
- Meralco, binanatan sa gitna ng krisis sa enerhiya
- 2026 barangay, SK polls pinauusog ni Sen. Imee sa Oktubre 2027
- Gamit na mantika, maaaring gamitin sa paggawa ng biodiesel
- Trump ‘di masaya sa peace plan na inihain ng Iran
- Luistro: Impeachment lusot sa Bank Secrecy Law
