Pinag-usapan ng mga netizen ang umano’y FO (friendship over) nina Angelica Panganiban at Bela Padilla matapos mapansin na wala ang huli sa latest Instagram post ng aktres.
Sa kanyang midyear life update, ibinahagi ni Angelica ang ilang larawan kasama ang pamilya at mga kaibigan, kabilang ang sweet photo nila ni Kim Chiu.
Kalakip nito ang caption na: “So, Thankful for each and everyone of you I get to live my best life, and we’re only halfway through the year. Here’s to working out and working in. Showing up not showing off. Laughing louder and living deeper. Cheers to Life.”
Dahil dito, napansin ng ilang netizen na wala si Bela sa mga larawan, bagay na nagbunsod ng espekulasyon tungkol sa estado ng kanilang “AngBeKi” friendship.
Sa Reddit, isang netizen ang nagtanong, “No Bela Padilla in Angelica Panganiban’s latest IG post. Friendship over?”
Naglabasan naman ang iba’t ibang opinyon at espekulasyon sa comment section.
“Parang nag FO nga yata talaga sila. May nabasa ako sa kabilang sub dahil nga daw sa ginawa ni Bela sa interview kay Boy Abunda,” komento ng isang netizen.
May tumukoy naman sa naging usapin noon tungkol sa umano’y pagbubunyag ni Bela ng personal na impormasyon ni Kim Chiu.
“When she spilled that Kim had her eggs frozen. It’s not even her story to tell. Bida-bida talaga si Bela.”
May ilan namang nagtanggol kay Bela.
“to be fair si boy abunda kasi nagsabi at hindi patanong yung pagsabi niya kaya i think bela felt like nasabi ni kim chiu kay boy kaya rin siguro na spill ni bela. kasi nung sinabi ni boy abunda very casual na nagpafreeze si kim ng eggs tapos segway ng ikaw gagawin mo ba yun to bela so bela answered it with nasabi na din po sakin ni kim yan gusto niya kaming dalawa pero hindi po ko pwede for health reasons.”
May iba rin namang nagsabing matagal na umanong may napapansing lamat sa samahan nina Angelica at Bela.
“Parang mas nauna mag ka tampuhan si Angge & Bella hindi lang napapansin ng mga tao. During MMFF both of them may movie entry pero hindi na sila ng repost nor congratulate sa isa’t isa, si kim nag help pa mag promote ng movie nilang 2. Then came yung the silent noise yung prime video series ni Angelica wala din congrats or anything from Bela. Usually kasi they support each other project.”
=====
Trending
- Trailer truck nahulog sa sapa: 3 sakay nasagip
- Dawlah Islamiya bomb-maker, timbog
- M’danao binaha; P2.3m pinsala sa sakahan naitala
- Grupong Pinoy sa Tsina: ‘Di kami unggoy!
- Napoles, ex-opisyal ng DAR guilty sa malversation
- Valid ID ‘di kailangan sa pagkuha ng Postal ID
- Price cap sa agri products, ‘di kailangan
- Robin naglalagay ng kulay sa impeachment trial
