Ipinagmalaki ni National Capital Region Police Office (NCRPO) acting chief Brig. Gen. Christopher Abrahano ang pagbaba umano ng bilang ng focus crime rate sa Metro Manila.
Iginiit ni Abrahano na bumaba ng 50% ang focus crime rate sa Metro Manila sa nakalipas na dalawang linggo.
“These past two weeks, we recorded a 50% decline in focus crimes here in Metro Manila,” ani Abrahano.
Kaugnay nito, nagpasalamat din siya sa ilan pang district directors ng NCRPO na nakikipagtulungan sa pagbaba ng nasabing mga krimen sa Metro Manila.
“Nagpapasalamat ako sa mga district directors for the support they gave the NCRPO para nga mapagtulung-tulungan itong pag-reduce. Ang instruction ko sa mga district directors nati ay ituloy itong momentum na ito para we follow through para manatiling ganun mas mababa yung crime dito sa Metro Manila,” saad pa ni Abrahano .
Paliwanag pa ni Abrahano, “Dapat maigiting ang police presence sa baba. Hindi lang basta police presence, may existing manuals. May existing manual on patrol operation so yun lang ang susundin ng mga pulis natin.”
Ang focus crime ay kinabibilangan ng mga krimeng katulad ng Murder, Homicide, Physical Injury, Rape, Robbery, Theft, Carnapping at Motornapping.
Noong Agosto, nauna nang inihayag Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng focus crime rate sa buong bansa na umabot umano ng 41.77%.
Saad pa ng ahensya, ang motor vehicles carnapping ang nagkaroon ng pinakamataas ng pagbaba dahil mula sa 31 noong Agosto 2025, 10 na lang ang naitala ngayong Agosto 2026.
Ang mga kaso naman ng rape ay bumaba mula 769 hanggang 318. Habang ang motorcycle carnapping ay bumaba ng 102 mula 220.
Ang mga kaso naman ng physical injuries ay bumaba sa 277 mula 521; ang theft sa bilang na 767 mula 1,315; robbery sa 33.16%; at homicide sa 3.33% pagbaba.
Trending
- Carlos Alcaraz, umusad na sa Quarter-finals ng US Open
- Pilipinas napiling maghost ng last window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers
- Janine prinsesa ni Jericho
- Ryan Bang, Max Collins grabe mukbang-an
- Awra Briguela nagulat sa pagkakahawig kay Kendra Kramer
- Water bills lolobo
- 26 estudyante nasawi sa sunog at stampede sa 2 iskul sa DR Congo
- Sarangani niyanig ng 3.9 magnitude na lindol
