Maaaring panagutin ang isang employer na nagbabawas ng workload ng mga empleyado at nagpapatupad ng flexible work arrangement nang walang pahintulot nila dahil sa constructive dismissal, ayon sa Supreme Court.
Sa desisyon noong Setyembre 30, 2025, hinatulan ng SC en banc ang Fiber Textile Manufacturing Corp. (FMC) na may responsiblidad sa pitong manggagawa matapos nitong bawasan ang kanilang work schedule mula anim na araw hanggang dalawa o tatlong araw lamang noong 2018.
Ang pagbawas ng work days, na labag sa mga tuntunin ng Department of Labor and Employment (Dole), ay naging sanhi ng pagbaba ng sahod at tuluyang nagtulak sa mga manggagawa na mag-resign.
Iniutos ng SC na bayaran ng FMC ang mga manggagawa ng full back wages, allowances, at iba pang beneficio, kasama ang attorney’s fees at separation pay.
Trending
- Tubig ng Angat Dam, bahagyang tumaas dahil sa LPA
- P10.2m shabu nasamsam sa bebot sa Iligan City
- Paslit, 2 pa patay sa banggaan
- 77-anyos, patay sa kuyog ng mga bubuyog sa Leyte
- Ex-bgy. secretary binaril sa labas ng bahay
- Perjury, cyber libel cases vs Baligod, 18 ‘maleta boys’
- Defensor, Espiritu humirit ng piyansa sa plunder case
- Imee Marcos nahalal na Senate Deputy Minority Leader
