Gumawa ng kasaysayan ang Farm Fresh Foxies matapos patumbahin ang star-studded na Nxled Chameleons sa loob ng tatlong set, 25-17, 25-20, 25-19, sa kanilang play-in match ngayong Martes sa FilOil EcoOil Centre.
Dahil sa tagumpay na ito, pormal nang nakuha ng Foxies ang kanilang kauna-unahang tiket sa semifinals ng 2026 PVL All-Filipino Conference mula nang sumali ang kanilang prangkisa sa liga.
Pinangunahan ng pambato ng Farm Fresh na si Trisha Tubu ang balanseng atake ng koponan matapos magtala ng 16 puntos.
Hindi rin nagpabaya ang mga beteranang sina Ces Molina at Ara Galang na nag-ambag ng 10 at siyam na marka.
Bukod sa opensa, nagpakitang-gilas din ang dalawa sa depensa kung saan may 11 receptions si Molina at anim naman kay Galang.
Sinubukan pang lumaban ng Nxled sa simula ng ikatlong set sa pangunguna ni Brooke Van Sickle, na nagbigay sa kanila ng bahagyang bentahe, 8-6.
Nguni’t nag-iba ang ihip ng hangin nang magpakawala ang Foxies ng mainit na 10-1 ratsada sa tulong nina Ria Meneses, Tubu at Molina upang agawin ang kontrol sa iskor na 16-9.
Panibagong dagok naman sa Nxled nang bumagsak si Myla Pablo sa injury sa kaliwang ankle.
Tinapos ni Honey Royse Tubino ang laban sa pamamagitan ng dalawang magkasunod na malalakas na palo mula sa left side at sinelyuhan ang makasaysayang panalo ng Farm Fresh.
Pasok na rin sa single-round semifinals ang PLDT at Cignal habang pag-aagawan pa ng Creamline at Akari ang huling semis slot.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init

