HALOS lahat ng senador sa ika-19 na Kongreso ay nagsingit ng P100 bilyon sa 2025 GAA.
Ito ang pinakahuling pagbubunyag ni Sen. Ping Lacson.
“Sa Senado pa lang, umabot na sa P100 bilyon ang mga isinisingit. Nagulat ako dahil ito ay mga indibidwal na singit, at naka-tag bilang “For Later Release,” wika ni Lacson.
” Napakalaki. Dati, bago ideklarang labag sa batas ang PDAF, daan-daang milyon lang ang halaga. Ngayon, umabot na sa P100 bilyon para sa 24 senador.”
Hindi pa niya tinitingnan ang listahan mula sa Kamara, pero sinabi niyang mahaba ang listahan ng mga mambabatas na may ganitong insertions.
Bagamat hindi ilegal ang insertions, tanong ni Lacson kung tama ito, lalo na’t may mga indibidwal na nagsingit ng P5 bilyon hanggang P9 bilyon.
“Sa budget deliberation, pwede ko itong tanungin. Gusto kong malaman kung ilan sa mga isinisingit ang na-release at paano naipatupad,” aniya.
Nanawagan si Lacson ng “self-restraint” sa mga kapwa mambabatas pagdating sa pagsingit ng pondo, lalo na sa mga proyektong pang-imprastruktura sa lokal na antas.
Trending
- Bagyong Ada, no classes today
- Bagyong Ada, no classes today
- Kris nag-kritikal : Lungs pumalya
- Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika
- Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan
- ₱1.5B Smuggling Bust ng PNP, Patunay ng Mas Mahigpit na Pagpapatupad ng Batas
- Goitia: Hindi Kayang Burahin ng mga Kuwento ng Tsina ang Karapatan ng Pilipinas
- Goitia: Sa West Philippine Sea, Hindi Nire-rebrand ang Soberanya
