Nasawi ang dating barangay chairman na si Odin Abdul Ayunan kasama ang kanyang menor de edad na apo nang mauwi sa engkwentro ang isinagawang warrant of arrest operation sa Barangay Piers, bayan ng Buldon, Maguindanao del Norte madaling araw kamakalawa.
Batay sa ulat ng pulisya, target ng operasyon si Ayunan at ang kanyang anak kaugnay ng kasong arson nang maglabas ng warrant of arrest ang RTC Branch 13 ng Cotabato City noong Hulyo 29, 2025.
Ayon sa mga awtoridad, nauwi umano sa palitan ng putok nang umano’y manlaban ang mga suspek laban sa pinagsanib na operatiba ng CIDG at lokal na pulisya na magsisilbi sana ng warrant.
Matapos ang insidente, nakarekober umano ang mga operatiba ng dalawang M16 rifle, isang grenade launcher, mga bala, at iba pang kagamitang pandigma sa lugar.
Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang mga awtoridad sa lokal na pamahalaan upang mapanatili ang seguridad at kaayusan habang nagpapatuloy ang kampanya laban sa mga wanted person at ilegal na armas sa lalawigan.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan
