Naaresto ang isang dating jail officer nang magbenta ng 53 gramo na shabu sa mga hindi unipormadong mga pulis sa Barangay Ajong sa Sibuluan, Negros Oriental nitong hapon ng Sabado, June 7, 2025.

Agad na pinosasan ng mga pulis ang suspect na dating jail officer sa isang prison facility nang magbenta ng shabu sa isang entrapment operation sa Purok 5 sa Barangay Ajong sa bayan ng Sibulan.

Nakapiit na sa detention facility ng Sibulan Municipal Police Station ang suspect.
Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa naarestong tulak.

Share.
Exit mobile version