Pinagagamit ng transparent bag ang mga mag-aaral ng Parara National High School sa Tigbauan, Iloilo, bilang bahagi ng pinaigting na hakbang panseguridad para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at iba pang kawani ng paaralan.
Ayon kay Lei Tamonan-Cebu, napagkasunduan ng mga magulang at ng pamunuan ng eskuwelahan na gamitin ang mga transparent bag para maiwasan ang mga karahasan.
Ipinatupad ang polisiya ngayong buwan para mapabilis ang inspeksiyon sa pagpasok sa paaralan matapos ang mga insidente ng karahasan sa iba’t ibang paaralan sa bansa.
Dahil dito, mas mabilis na nakikita ng mga security personnel at school staff ang laman ng bawat bag.
Dalawang shooting incidents ang nauwi sa pagkamatay ng ilang estudyante habang may mga insidente rin ng pananaksak na sangkot ang ilang mag-aaral.

===

Share.
Exit mobile version