Tumanggi si Eric Quizon na mag-comment tungkol sa problema ng magkakapatid na sina Ian, Lotlot at Matet de Leon kaugnay sa diumano’y isyu ng mana.
Si Ian ang biological son ng yumaong National Artist at nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Samantalang, mga adopted naman ni Guy sina Lotlot, Matet at ang dalawa pa na sina Kiko at Kenneth.
Sinubukan naming kunin ang reaksiyon ni Eric dahil walang sumulpot na isyu o alitan sa kanilang magkakapatid pagdating sa mana nang mamatay ang kanilang ama. Gayong walang pinakasalan si Dolphy sa mga ina ng mga anak niya.
Paliwanag ni Eric, naihanda na raw ng daddy nila ang lahat ng mana bago pa ito namatay.
Nang malaman raw ng legendary actor na mayroon itong karamdaman, inakasiso na niya ang paghahati sa mga naiwan niyang ari-arian.
Binanggit ni Eric ang isa nilang kapatid na si Nicole na legally adopted ng kanilang ama.
Kung tutuusin ito raw ang mas lamang, pero hindi ito naging isyu sa kanilang lahat.
Sabi nga ni Eric, naihati na sa kanilang mga magkakapatid ang property sa Batangas.
Hindi pa lang nila maitayo ang museum para sa kanilang Daddy, dahil malaki ang kailangang pondo.
Ipinaliwanag rin ni Eric na nasa corporation ang itinayo nilang negosyo na brand ng alak, ang “Banayad Whisky”.
Samantala, si Eric ang direktor sa lalabas na romcom movie na prinodyus ng Regal Entertainment, entitled “Project Baby”.
Pinagbibidahan ito nina Sue Ramirez at Rico Blanco. Showing na ito ngayong June 10.
Trending
- DENR, iimbestigahan ang mga naiulat na earth-balling activities
- PhilHealth, healthcare provider, palalakasin ang Universal Health Care
- 3 tulak tiklo, P13.6m shabu nasamsam sa Zambo
- Salpukan ng 2 trailer trucks: 1 patay
- Bebot huli nang kumubra ng P38m corporate funds
- Tulay sa Maasim winasak ng malakas ng ulan
- Taxi na dugyot, lagot sa LTFRB
- MILF commander pinaulanan ng bala sa loob ng bahay

