CAMANAVA NGAYON–Humigit kumulang sa P.3 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa limang drug suspects, kabilang ang isang bebot matapos malambat ng pulisya sa pinaigting na anti-illegal drugs operations sa Caloocan, Malabon at Navotas Cities.Dakong alas-11:44 ng gabi nang magsagawa ang mga tauhan ni Caloocan Police Acting Chief P/Col. Joey Goforth ng buy bust operation sa Phase 4, Palmera Spring, Brgy., 175, sa koordinasyon sa PDEA na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas “Boy”, 28, alyas “Jay”, 45, at sa babaeng si alyas “Roc”, 29.Nakumpiska ng mga Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa mga suspek ang nasa 32 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P217,600.00, kasama ang ginamit na marked at boodle money.
Sa Malabon, nasamsam ng mga tauhan ni Malabon Police Acting Chief P/Col. Allan Umipig si alyas “Ungas”, 46, ang humigi’t kumulang 5.2 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P35,360.00 at buy bust money.
Naaresto ang suspek nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa koordiansyon sa PDEA sa Borromeo St., Brgy. Longos.
Alas-11:25 ng gabi nang matiklo naman ng mga tauhan ni Navotas Police Acting Chief P/Col. Renante Pinuela sa buy bust operation din sa Gov. Pascual St., Brgy., Daanghari si alyas “Kanor”, 57. Nakuha sa kanya ng mga operatiba ng SDEU ang aabot 5.35 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P36,380.00, at buy-bust money.
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio ang mga operatiba sa kanilang pagsisikap at propesyonalismo na nagbibigay-diin sa matatag na dedikasyon sa kaligtasan ng publiko laban sa illegal na droga. (Roger Panizal)

Share.
Exit mobile version