Binuo ng apat na graduating engineering students ang isang solar-powered electric pump boat mula sa Eastern Visayas State University (EVSU) sa Tacloban City para sa eco-friendly na transportasyon ng mga turista sa Basey, Samar.
Ang proyekto na may titulong “Design and Implementation of a Solar Electric Pump Boat for Tourist Transportation in Sohoton, Basey, Samar” ay itinurn-over sa isang community-based organization sa Wespal Sohoton Visitor Center & Eco-Lounge.
Ang mga estudyante na sina Antonio Adorza Jr., Mac Jandy Guintadcan, Brian Jeffrey Reyno, at Richard Reynada ang bumuo ng sasakyang layuning mabawasan ang pag-asa sa fossil fuel sa gitna ng pagtaas ng gastos sa transportasyon at turismo.
Gumagamit ang bangka ng solar energy bilang pangunahing power source, kaya hindi na kailangan ng gasolina o diesel. Mayroon itong apat na 100-watt solar panels na konektado sa 48-volt battery system at pinapatakbo ang 1,500-watt electric motor. Aabot sa humigit-kumulang PHP40,000 ang gastos sa paggawa ng prototype.
“One of its biggest advantages is that it doesn’t rely on fuel. It’s quiet, clean and environmentally friendly,” ayon kay Reyno.
Pinuri naman ng lokal na operators ang inobasyon. Ayon kay Beatriz Boleche ng Sohoton Services Cooperative, “The integration of solar into our service motorboat reduces our dependence on gas.”
Ang solar-powered boat ay walang carbon emissions, tahimik ang operasyon, at nakababawas sa gastos sa mahabang panahon. Gagamitin ito sa Sohoton Caves and Natural Bridge Park, isang protected ecotourism site sa Samar Island Natural Park.
Ayon kay EVSU School of Engineering dean Vinyl Oquiño, plano nilang i-present ang proyekto sa research conferences at humingi ng suporta mula sa Department of Science and Technology at Department of Tourism.
Aabot sa anim na buwan ang development ng proyekto at sinuri ito ng Institute of Integrated Electrical Engineers (IIEE) Leyte-Samar Chapter upang tiyakin ang pagsunod sa Philippine Electrical Code.
Ang Sohoton ay kilalang ecotourism destination na may mga kuweba, ilog, talon, limestone formations, at kagubatan, na inaasahang mas mapo-promote pa ng mga ganitong sustainable innovations.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init
