Nagpaliwanag si Eman Bacosa Pacquiao kaugnay ng pagtanggal niya ng “JW” sa kanyang TikTok bio na iniugnay ng netizens kay Jillian Ward.
Sinabi ng binata na ginawa niya ito upang maiwasan ang intriga, lalo na’t nadadamay ang aktres sa mga usapin online.
“Tinanggal ko lang po ‘yun kasi nandu’n po ‘yun iniisip ng tao si Jillian, na-a-associate sa kaniya. Kaya since we’re good friends, tinanggal ko po ‘yun kasi ayaw ko siya magkaroon ng issue,” ani Eman.
Ayon pa sa kanya, wala ring malalim na ibig sabihin ang kanyang mga naunang cryptic posts dahil natuwa lamang siya sa mensahe nito at naisip na relatable ito sa marami, lalo na sa pagiging protective sa mahal sa buhay.
“Natuwa lang po ako sa post,” tsika pa niya.
Matatandaang inamin noon ni Eman ang kanyang paghanga kay Jillian, at ilang beses na rin silang nakita sa parehong events.
Gayunpaman, iginiit niyang nananatili silang magkaibigan at walang dapat palakihin na isyu.

Share.