Patuloy na isinusulong ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagpapatibay ng edukasyon para sa mga guro, isang hakbang na may layunin na pag-uugnayin ang teacher education curriculum, pagsasanay, at licensure examinations.
Ganito ang panawagan ni Gatchalian sa isang pagpupulong na ginanap sa pagitan ng mga Teacher Education Institutions (TEIs) at ni Dr. Penny A. Bishop, dean ng Boston University Wheelock College of Education and Human Development.
Sa naturang pagpupulong, pinuna ni Gatchalian ang hindi pagkakapantay-pantay ng kalidad ng teacher education sa bansa.
Batay sa datos ng Teacher Education Council (TEC), lumalabas na 2% lamang o 35 sa 1,500 TEIs ang itinuturing na Center of Excellence.
Ibinahagi rin ni Gatchalian na sa pagitan ng mga taong 2021 at 2025, ang average passing rates para sa Elementary Education takers ng Board Licensure Exam for Professional Teachers (BLEPT) ay 50%, samantalang 57% naman para sa mga Secondary Education takers.
Ibinahagi rin ni Gatchalian ang ulat ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), kung saan lumalabas na 62% ng mga high school teachers ay nagtuturo ng mga subject na hindi naman nila pinag-aralan noong kolehiyo.
Upang matugunan ang mga hamong ito, inihain ni Gatchalian ang Senate Bill No. 52 na layong amyendahan ang Philippine Teachers Professionalization Act of 1994 (RepublicAct No. 7836).
“Kung magagawa natin nang tama ang paghahanda para sa ating mga guro, hindi lamang natin maiaangat ang ating mga paaralan, maiaangat din natin ang hinaharap ng mga kabataang pumapasok dito,” ani Gatchalian.
Trending
- PBBM, ipinag-utos 3-month suspension sa terminal fees ng PUVs sa PITX
- Banta ng destabilisasyon dahil sa nangyari sa Senado, tinabla ng AFP
- CHED ipinagpaliban pagbawas ng GE units sa kolehiyo
- Villafuerte tinukuran hakbang ng gobyerno vs fake news, deep fake
- Lolo na illegal recruiter nalambat
- Truck nahulog sa bangin sa Quezon
- Ginang na bagong ligo nagsaksak ng bintilador, nangisay
- Lalaki huli sa P420K ‘paihing krudo’ sa Bulacan ops

