Ayon mismo kay Jhen Go, hindi muna matutuloy ang pagpapa-rehab sa live-in partner niyang si Jeremiah Rosales.
Si Jeremiah ay ang nakababatang kapatid ni Jericho.
Ani Jhen, dumistansya daw muna ang aktor sa pagtustos sa pagpapa-rehab ng kapatid.
Jericho is letting Jeremiah to decide himself.
Para daw hindi masayang ang effort ni Jericho, hihintayin na lang daw nito when his younger brother is ready and willing to submit himself to a rehab facility.
Ayon kay Jhen, sagad na daw ang tulong ni Echo sa kapatid na tila ayaw namang magbago.
Matatandaang lumayas si Jeremiah nang matunugang susunduin siya ng staff ng rehab facility na pagdadalhan sa kanya.
Nagtago daw ito sa kanilang mga kaanak sa Bicol para makaiwas magpa-rehab.
Samantala, nakipagbalikan si Jhen kay Jeremiah kahit nangako na itong ayaw na niya itong kasamahin.
Binash tuloy si Jhen sa kanyang desisyon.
Humihingi naman ng pang-unawa si Jhen mula sa mga bashers niya.
===
Trending
- Faith healer patay sa saksak habang tulog
- 2 patay, 4 sugatan sa salpukan ng SUV at trak
- Estudyante sa Iloilo pinagagamit na ng transparent bag
- 4 patay sa sunog sa Pasay
- Ipinao-overhaul ang MMDA para sa trapiko, baha, basura
- Panibagong bugso ng habagat, asahan sa susunod na linggo
- Brgy. tanod sa iskul, isinusulong bilang dagdag-seguridad!
- Sept. 14 : special non-working day sa BARMM
