BUWENA-MANO sa unang round ng US Open ang iminarka ni Alexandra “Alex” Eala nang talunin ang American qualifier na si Mary Stoiana sa iskor na Six-One, Six-Two.
Mabilis na kumamada World’s Number Eighteen na si Eala sa unang set, agad na nagtala ng Five-Zero lead bago tuluyang isinara ang set sa pamamagitan ng matibay na serbisyo at agresibong baseline play.
Sa ikalawang set, bahagyang nakabawi si Stoiana at nakalamang ng Two-One, ngunit hindi nagpatinag ang tournament seeded Number Seventeen na si Eala.
Sunod-sunod na limang game ang kanyang kinuha, kabilang ang isang mahaba at tensiyosong rally sa ikapitong game na nagbigay sa kanya ng match point.
Sa huli, tatlong sunod na puntos ang nagtulak sa kanya sa panalo.
Kapansin-pansin ang predominantly Filipino crowd sa Louis Armstrong Stadium.
Bawat puntos ni Eala ay sinasalubong ng malakas na hiyawan, may dalang bandila ng Pilipinas at sabay-sabay na sigaw ng “Laban, Alex!”.
Ang ilan ay nagpatugtog pa ng tambol at nagbitbit ng plakard na may nakasulat na “Proud Pinoy”.
Maraming kababayan ang nagkomento na ang tagumpay ni Eala ay hindi lamang panalo para sa kanya, kundi panalo para sa buong sambayanang Pilipino.
Ang atmospera ay tila isang “home crowd advantage” sa kabila ng pagiging international tournament.
Haharapin ni Eala sa second round ang Ukrainian player na si Oleksandra Oliynykova.
Ang panalo ni Alex ay hindi lamang para sa kanya, bagkus ay para sa buong sambayanang Pilipino.
