Inilipat sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City nitong Miyerkules si dating police lieutenant colonel Rafael Dumlao III kaugnay ng 2016 kidnapping at pagpatay sa South Korean businessman na si Jee Ick-joo.
Mula sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, inihatid si Dumlao sa pambansang piitan sakay ng police vehicle na binantayan ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group dakong alas-8:15 ng umaga.
Sa kabila ng kanyang paglilipat, iginiit ni Dumlao na wala siyang kasalanan.
“I solved it. I attempted to rescue him,” pahayag ni Dumlao sa ABS-CBN News, patungkol kay Jee.
Namatay si Jee sa loob ng Camp Crame noong 2016.
Binatikos din ni Dumlao ang Supreme Court matapos nitong pagtibayin ang desisyon ng Court of Appeals na baligtarin ang kanyang acquittal.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, ipinapakita ng pag-aresto kay Dumlao ang commitment ng pamahalaan sa pananagutan.
“Whether you were a former PNP chief or a former police officer, that is not a consideration. Even though Dumlao was one of their own, he was not put above the law,” pahayag ni Remulla.
Trending
- PWD bugbog-sarado sa pang-ha-harass ng Grade 3 stude
- 3 Tsekwa, arestado sa toxic chemicals at hazardous wastes sa Caloocan
- Babaeng pasahero nahulog sa dagat sa Batangas
- Fusion Alley sa Maynila inireklamo sa baho, ingay at kalat
- LTO team leader sa viral Cainta roadside ops, sinuspinde
- Misis hiniya at sinasaktan ni mister habang naka-video
- P85 wage increase purdoy
- Utak sa pagpatay sa vlogger sa Caloocan, tukoy na
