Arestado ang limang drug pusher na kabilang sa high-value targets nang salakayin ang isang pinaniniwalaang drug den sa Barangay Central Bicutan, Taguig City.
Isinagawa ng pulisya ang operasyon noong Agosto 16, kung saan nasamsam ang tinatayang 160 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1 milyon.
Kabilang sa mga naaresto, na tinuturing na high-value individuals, ang isang senior citizen na sinabing maintainer ng umano’y drug den.
Dinala ang mga suspek sa Southern Police District para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.
Nahaharap sila sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
=====
Trending
- Faith healer patay sa saksak habang tulog
- 2 patay, 4 sugatan sa salpukan ng SUV at trak
- Estudyante sa Iloilo pinagagamit na ng transparent bag
- 4 patay sa sunog sa Pasay
- Ipinao-overhaul ang MMDA para sa trapiko, baha, basura
- Panibagong bugso ng habagat, asahan sa susunod na linggo
- Brgy. tanod sa iskul, isinusulong bilang dagdag-seguridad!
- Sept. 14 : special non-working day sa BARMM
