Matagumpay na nasawata ang ilegal na gawain ng tatlong (3) kalalakihan sa Roque Street, Purok 3, Calao West, Santiago City 10:00 ng gabi Mayo 30, 2026 mula sa nadiskubreng drug den sa lugar.
Ang mga naaresto pawang mga Construction Worker na kinilala sa mga alyas na Fredo na 43-anyos, alyas Jong na 37-anyos at alyas Mon na 44-anyos na mga residente ng Calao West, Santiago City.
Nanguna sa operasyon ang PDEA RO2 Quirino Provincial Office na may koordinasyon sa PDEA CAR–Kalinga Provincial Office, SCPO Police Station 1, PDEG SOU 2, Regional Intelligence Unit (RIU) at SCPO CIU na nagbunga sa pagkakahuli sa mga pinaghihinalaan.
May kabuuang 10 gramo ng umanoy shabu na nakasilid sa ilang plastic sachet ang nakuha sa mga suspek kabilang ang kanilang inilako na tinatayang nagkakahalaga ng P68,000.00.
Nakuha pa sa mga ito ang P1,500.00 na ginamit na pera sa operasyon kabilang ang isang (1) can container na may iba’t-ibang drug paraphernalia, coin purse na may fake P,000.00 peso bill, kabilang pa ang isang white pouch, Mini Digital weighing scale, isang gunting, toother glass tube, mga unused foils at dagdag na tatlong (3) lighter.
Mula sa up and down na bahay na gawa sa kahoy, ang ikalawang palapag di umano ang nagsisilbing lugar ng mga suspek sa kanilang ginagawang paggamit ng droga kabilang ang kanilang mga parokyano.
Mahaharap sa paglabag sa Sections 5 o Sale of Dangerous Drugs, Section 6 bilang Maintenance of a Drug Den, Section 7 o Employees and Visitors of a Drug Den kabilang ang Section 11 bilang Possession of Dangerous Drugs at Section 12 o Possession of Drug Paraphernalia sa Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakakaharapin na mga kaso ng mga suspek na naitalang mga High Value Individual.
Trending
- DENR, iimbestigahan ang mga naiulat na earth-balling activities
- PhilHealth, healthcare provider, palalakasin ang Universal Health Care
- 3 tulak tiklo, P13.6m shabu nasamsam sa Zambo
- Salpukan ng 2 trailer trucks: 1 patay
- Bebot huli nang kumubra ng P38m corporate funds
- Tulay sa Maasim winasak ng malakas ng ulan
- Taxi na dugyot, lagot sa LTFRB
- MILF commander pinaulanan ng bala sa loob ng bahay
