Bilang pagkilala sa makasaysayang serbisyo at kontribusyon sa bansa, opisyal nang idineklara ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ang ika-26 ng Disyembre ng bawat taon bilang Jose C. de Venecia Jr. Day.
Ang deklarasyong ito ay nakapaloob sa Provincial Ordinance 56-2026, na inaprubahan nitong nakaraang Lunes sa regular na sesyon ng SP.
Ang nasabing ordinansa ay inihain nina Board Members Jerry Agerico Rosario at Marinor de Guzman, at naging co-authors naman ang lahat ng miyembro ng lupon.
Ang Disyembre 26 ay ang araw ng kapanganakan ni De Venecia, na pumanaw nitong Pebrero 10, 2026 sa edad na 89.
Ayon sa ordinansa, ang pagkilalang ito ay nararapat lamang dahil sa kanyang “natatanging serbisyo sa sambayanang Pilipino at ang kanyang mga kontribusyon sa pambansang pag-unlad” gayundin sa mismong lalawigan ng Pangasinan.
Sa ordinansa, binanggit din si De Venecia bilang “proud son of Pangasinan”.
Si De Venecia ay nagsilbi ng pitong termino bilang kongresista at limang beses nahalal bilang Speaker ng House of Representatives.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init
