Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang hindi pag-aresto kay Senador Ronald ”Bato” dela Rosa ay hindi dahil sa kakulangan ng kagustuhan na ipatupad ang batas, kundi nakabatay umano sa umiiral na legal na proseso.
Ayon sa DILG, ang naging batayan ng ahensya ay ang Section 17 ng Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity, na binanggit din ng Department of Justice (DOJ).
Sa ilalim kasi ng batas na ito, maaaring isuko ang isang indibidwal sa International Criminal Court (ICC) o litisin ito sa lokal na hukuman sa Pilipinas kung may kaukulang warrant kaugnay ng crimes against humanity.
Binigyang-diin ng DILG na inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensya, kabilang ang Philippine National Police (PNP), na hintayin muna ang magiging pasya ng Supreme Court bago magsagawa ng anumang aksyon kung wala namang utos mula sa hukuman ng bansa.
Trending
- DOH todo bantay sa mga border ng bansa vs Ebola
- US green card seekers kailangan nang mag-apply mula sa home country
- PBBM, pinalakas ang ugnayan ng Pilipinas sa Global Development Programs
- Jacamos sasabak para sa bakanting WBC Youth World junior fly sa South Africa
- Rondina, Pons yuko kontra Danish sa Nuvali Challenge opener
- Kathryn at Monmy Min, walang tampuhan
- Maris, namigay ng bigas
- Janno, nagsori kay Manilyn
