Hinamon ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla si dating presidential spokesman Harry Roque na maglabas ng dokumentong magpapatunay na naaprubahan ang kanyang asylum request sa Austria.
Iginiit ni Remulla na rejected ang asylum request ni Roque, ngunit inamin niyang wala pang pormal na impormasyon mula sa Austrian authorities na kumukumpirma sa umano’y denial.
Sinabi ni Remulla na ayon kay Roque, wala ring pormal na denial o approval sa kanyang asylum request kaya nananatili umano ito sa “Gray zone.”
Hinamon niya si roque na magpakita ng dokumentong nagpapatunay na Hindi saklaw ng posibleng red notice.
Ayon kay Remulla, human trafficking ay isang internationally recognized crime at iginiit niyang hindi umano dapat ituring na political persecution ang mga kasong kinakaharap ni Roque.
Samantala, kinumpirma ni Roque sa kanyang post online na tinanggihan ng Dutch immigration and naturalisation service ang kanyang unang asylum petition at maging ang kanyang apela sa Netherlands.
Na-refer ang kanyang kaso sa Austria dahil Austrian authorities ang nag-isyu ng kanyang Schengen Visa.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan
