Mag-iimbita si Labor Secretary Francis Tolentino ng mga lider mula sa labor, employer, at policymaking sector para magbahagi ng pananaw tuwing lingguhang flag ceremony.
Layunin nitong marinig ang boses ng lahat ng sektor at itaas ang dignidad ng mga manggagawang Pilipino, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos Jr. para sa workers’ welfare at industrial peace.
“Kailangan nating marinig din ang kanilang boses… ang flag ceremony ay hindi lang lingguhang ritwal, ito ay pag-renew at pangako kung ano ang dapat nating gawin bilang mga lingkod-bayan,” ani Secretary Tolentino.
Kabilang sa mga iimbitahan sina Rep. Eli San Fernando, Trade Union Congress of the Philippines, at mga pederasyon ng kasambahay o domestic workers para masigurong lahat ay naririnig at nire-representa.
Target rin si Secretary Tolentino na gagawin niyang top-performing department ang DOLE.
“Dalangin ko po, na makamtan ko ang inyong pakikipagtulungan. Dalangin ko po ang tagumpay ng DOLE. Dalangin ko po ang ating pagkakaisa. Dalangin ko po ang patuloy na pagsulong ng ating ekonomiya. Dalangin ko po at pipilitin nating gawin, hindi lamang itaas ang watawat ng Pilipinas, kundi itaas din ang dignidad ng ating minamahal na bansang Republika ng Pilipinas,” ani Tolentino.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan
