Gumuho ang isang detour bridge nang daanan ng isang dump truck na kargado ng mabibigat na bato sa bahagi ng Kaliwet Bridge sa bayan ng Santo Domingo, Ilocos Sur nitong Sabado, Mayo 2.
Batay sa inisyal na ulat, nasa kalagitnaan ng pagtawid ang naturang sasakyan nang bigla na lamang bumigay ang istruktura ng pansamantalang tulay.
Pinaniniwalaang labis ang bigat ng karga ng truck na naging sanhi ng pagguho nito.
Agad namang rumesponde ang mga awtoridad upang tiyakin ang kaligtasan sa lugar at maiwasan ang karagdagang aksidente.
Sa ngayon, wala pang kumpirmadong ulat kung may nasaktan o nasawi sa insidente.
Pansamantalang isinara sa publiko ang nasabing bahagi ng kalsada habang isinasagawa ang clearing operations at masusing pagsusuri sa kalapit na mga istruktura.
Samantala, mahigpit na pinaalalahanan ng mga kinauukulan ang mga motorista at hauling companies na sumunod sa itinakdang load limits upang maiwasan ang kaparehong insidente sa hinaharap.
Trending
- Boston head coach Joe Mazzulla tinanghal bilang 2025-26 NBA Coach of the Year
- Alex Eala pasok sa Forbes ‘30 under 30’
- Edu at GF, nagbakasyon grande sa Rome
- Ashley, inokray sa pantulog na OOTD!
- Mystery guy ni Sanya, afam?
- Pinas target ng Israel sa Pax Silica sa AI, cybersecurity at critical minerals
- Pope Leo XIV sinakyan unang electric car ng Ferrari
- 2026 National Oplan Balik Eskwela pinakilos na ng DepEd
