Boluntaryong isinuko nina Derek Ramsay at AJ Violago sa Land Transportation Office (LTO) ang Porsche 918 Spyder, na pagmamay-ari ng aktor, dahil sa umano’y pekeng plaka.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao nitong Martes, Agosto 18, personal na nagtungo sa ahensya sina Ramsay at Violago noong Agosto 17 upang tumugon sa inilabas na show cause order ng ahensya.
Sinabi ni Lacanilao na in good faith naman yung registered owner para maimbestigahan mabuti ‘yung mga pangyayari.
Kasama sa boluntaryong isinuko ang supercar na nakapangalan kay Ramsay, gayundin ang driver’s license ni Violago, na siyang nagmamaneho ng supercar nang masita dahil sa umano’y pekeng plaka.
Mayroon umano itong ibang alphanumeric combination kumpara sa orihinal na plate number na nakatalaga sa sasakyan.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

