Habang patuloy na pinag-uusapan ang naudlot na kasalan nila ni Bea Alonzo, tila mas nakatuon naman ngayon si businessman Vincent Co sa kanyang mga negosyo kaysa sa mga usap-usapan sa showbiz.
Ayon sa isang taong malapit kay Vincent, kasalukuyan itong nasa London para sa ilang business commitments kaya hindi rin ito madalas makita sa Pilipinas nitong mga nakaraang araw.
Kuwento ng source ni Jun Lalin ng Abante, sinubukan pa umano nitong kumustahin si Vincent ngunit doon nito nalamang nasa ibang bansa pala ang negosyante.
Dahil sa kanyang biyahe, hindi rin daw nito napagbigyan ang isang imbitasyon sa social gathering na sana ay dadaluhan niya.
Sa kabila ng mga intriga at espekulasyon tungkol sa kanyang personal na buhay, mukhang mas pinipili ni Vincent na manatiling low-profile at ituon ang kanyang atensyon sa trabaho at mga business ventures.
===
Trending
- Lady Red Spikers nakamit ang ikalawang tagumpay
- Qatar tinambakan ang Iran 9 days bago ang opening ceremony ng Asian Games
- Isabelle Daza nagregalo ng cellphone sa tindera
- Katherine Luna fan mode nang makasama mga sikat na artista
- Dina Bonnevie sobrang love ang manugang niyang si Kristine Hermosa
- BARMM elections madugo
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
- 55 wildlife traders, timbog sa operasyon ng DENR
