Kinilig ang fans sa sunod-sunod na sweet sightings nina Daniel Padilla at Kaila Estrada habang nasa Bukidnon para sa taping ng sequel ng “Incognito.”
Ayon sa mga nakakita sa dalawa, kapansin-pansin ang masaya at magaan nilang aura sa bawat location na kanilang pinupuntahan.
Sa sobrang bagay nilang magkasama, may mga netizens pang nagbiro na kung hindi alam ang totoong pakay nila sa probinsya ay iisiping prenup photoshoot na ang kanilang ginagawa.
Isa sa mga naging paboritong eksena ng fans ang pagbisita ng magkasintahan sa Laidback Stables sa Malaybalay, kung saan sinubukan nilang sumakay ng kabayo.
Mas lalong kinilig ang kanilang supporters nang kumalat ang video ni Daniel na tahimik na nakatayo sa labas ng bakod habang pinapanood at binabantayan si Kaila habang nangangabayo.
Dahil dito, may mga naghinalang posibleng bahagi ng serye ang horseback riding scenes ng dalawa.
=====
Trending
- Lady Red Spikers nakamit ang ikalawang tagumpay
- Qatar tinambakan ang Iran 9 days bago ang opening ceremony ng Asian Games
- Isabelle Daza nagregalo ng cellphone sa tindera
- Katherine Luna fan mode nang makasama mga sikat na artista
- Dina Bonnevie sobrang love ang manugang niyang si Kristine Hermosa
- BARMM elections madugo
- Singil sa kuryente, bahagyang bababa ngayong Setyembre
- 55 wildlife traders, timbog sa operasyon ng DENR
