Mukhang hindi na nakatiis ang content creator at businesswoman na si Dani Barretto at tuluyan nang binuweltahan ang kanyang dating stepdad na si Dennis Padilla.
Ito ay matapos mag-iwan ng komento ang aktor sa Instagram post ng podcast na “Almost Honest” kamakailan, kung saan makikita si Dani na ikinukuwento ang pinagdaanan noon ng nanay nilang si Marjorie Barretto.
Binalikan ni Dani ang “screaming episodes” na naranasan nila noon.
“Chilhood namin ‘yun ng mga kapatid ko. Nasanay kami doon. We saw the yelling, we heard every yelling, the screaming, everything my mom went through. Tumatak sa amin ‘yon ‘di ba? Mga bata kami noon, but that stayed with us. I’m just glad my mom left,” lahad ni Dani.
Sa kanyang comment, binalaan ni Dennis si Dani na maghanda sa kanyang “point by point” na sagot at sinabing “half lang ang alam” ng anak ni Marjorie.
Sa screenshot na kumakalat ngayon sa social media, diretsahan ang naging pahayag ni Dennis: “Dani… Abangan mo sagot ko… Point by point… Mula nung nasa tyan ka pa ng nanay mo… I felt abused… I felt liberated nung nakawala ako sa relationship na sinasabi mo.. Huwag masyadong mayabang.. Wala kang alam… Half lang alam mo..”
Hindi naman nagpatumpik-tumpik si Dani at isang mahabang reply ang ibinuwelta sa aktor.
Ayon kay Dani, saksi silang magkakapatid sa naging ugali ni Dennis noong magkakasama pa sila sa iisang bubong.
“I think you’re forgetting we all lived in the same house. That we woke up to your screams almost every morning. Kung hindi si mom sinisigawan mo, one of the help,” matapang na pahayag ni Dani.
Dagdag pa niya, tila naging “default” na raw ni Dennis ang manigaw kahit sa mga pampublikong lugar gaya ng mall at grocery.
Inakusahan din niya ang aktor ng paggamit ng social media upang ipagtanggol ang sarili at magpakalat ng kasinungalingan.
“You keep pushing this narrative na kinawawa ka. Weren’t you the abusive one? Kahit nasaan tayo, kahit sa mall, sa grocery, wala kang pinipiling lugar para may sigawan,” ani Dani.
Hindi rin pinalampas ni Dani ang isyu ng pakikipag-ugnayan ni Dennis sa kanyang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon.
Ayon kay Dani, kaya walang komunikasyon ang mga ito sa kanilang ama ay dahil na rin sa mga ginawa nito.
“Di ba tatawag ka sa mga anak mo mostly laging madaling araw kasi lasing ka para murahin at sigawan lang sila? And now know it all pa ko? Ikaw nanaman kawawa? Si mom nanaman sisiraan mo? Enough is enough.
“All your kids know who you are. That’s why most of them have no communication with you. Because you burned bridges with each of them. Pero sa kwento mo, sila ang mali and ikaw parin ang kawawa. Make it make sense.”
Sa ngayon, wala pang panibagong sagot si Dennis sa matinding “resbak” na ito ni Dani.
Trending
- Cayetano tanggap na ‘di na siya ang senate president
- Teammates nina Baterbonia, Adili nagpakita sa PNP
- 24 North Genesis bus, sinuspinde sa road crash sa Baguio City
- 4 Taiwanese ilegal na pumasok ng Pinas timbog
- P56m droga, buking sa parcel sa NAIA
- 92 puganteng may kasong sexual offenses, naaresto
- CIDG kay Baldwin: ‘Man up’, humarap sa imbestigasyon
- Sen. Bato dapat sumuko nang mapayapa

