Pinaigting ng Department of Agriculture (DA) ang paghahanda laban sa posibleng matinding El Niño na posibleng makaapekto sa produksyon ng pagkain, kabuhayan ng mga magsasaka, at presyo ng mga bilihin.
Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. nitong Huwebes, kabilang sa paghahanda ang muling pagbuhay sa El Niño task force ng ahensya.
Ito ay upang magpatupad umano ng mga hakbang tulad ng mga cloud seeding, solar-powered irrigation system, pagbabago sa planting calendar, at crop diversification program.
Tinataya ng DA na maaaring bumaba ng hanggang 700,000 metriko tonelada ang produksyon ng bigas kapag tumama ang malakas na El Niño.
Samantala, iniulat ng PAGASA na may 92% posibilidad na magkaroon ng moderate hanggang strong El Niño sa huling bahagi ng 2026 hanggang unang bahagi ng 2027.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan
