Muling tiniyak ni Commission on Elections (Comelec) Chairperson George Garcia na matutuloy ang 2028 national elections kasunod ng alegasyon ni Senadora Imee Marcos tungkol sa umano’y “no-election scenario”.
“‘No-el 2028’ will not happen. It’s a mandate of the Constitution to have an election in that year… no contingency for a ‘No-el’ because the election is certain to happen,” ani Garcia.
Ayon pa sa Comelec chair, nagsimula na ang paghahanda ng ahensya para sa 2028 elections, kabilang ang pag-aaral sa automation ng halalan, voter registration, at promulgation ng rules at guidelines.
Nauna nang inilahad ni Senadora Marcos sa isang privilege speech noong Lunes ang umano’y mga hakbang para amyendahan ang Konstitusyon at mapalawig ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ipinagsawalang-bahala naman ng Pangulo ang alegasyon ng kanyang kapatid.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan
