Pinayagan ng Sandiganbayan si dating DPWH – Mimaropa Construction Division chief Dominic Serrano, na kapwa-akusado ni dating Cong. Zaldy Co, na sumailalim sa medical checkup para sa kaniyang heart condition.
Ito ay matapos hilingin ni Serrano sa Sixth Division ng anti-graft court sa pagdinig ngayong Huwebes na sumailalim sa naturang checkup sa Philippine Heart Center bukas, Biyernes, Hulyo 24.Sanggunihang Pang-heyograpiko
Ipinaliwanag ng abogado ni Serrano na si Atty. Gideon Ventura na mayroong pitong coronary stents ang kaniyang kliyente, maliit ito na mesh tubes na naka-implant sa puso.
Hiniling din ng abogado na payagan ang miyembro ng pamilya ni Serrano na maasistihan ang kaniyang kliyente sa kanilang pagbisita subalit tinanggihan ito ni Associate Justice Sarah Jane Fernandez dahil mayroon naman aniyang hospital personnel na maaaring magbigay ng kaukulang assistance kay Serrano.
Una rito, nahaharap si Serrano sa kasong malversation may kaugnayan sa umano’y anomaliya sa road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro.
Trending
- Marcoleta, pinagpapaliwanag ng Sandigan
- Education crisis dapat bigyang prayoridad
- Mas mabigat na parusa sa ospital
- Senior high timbig sa pagpo-post sa socmed ng banta vs guro, estudyante
- Tour guide sibak sa harassment sa hiker
- Delivery rider huli sa P1M shabu
- Ilang bahagi ng Davao lubog sa baha
- Lalaki namemeke ng birth certificate, timbog
