Inirekomenda ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagsasampa ng kasong homicide at reckless imprudence resulting in homicide laban sa dating head coach ng Ateneo Blue Eagles na si Tab Baldwin at iba pang sangkot.
Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) nitong Miyerkules na natanggap nito ang supplemental referral mula sa CIDG.
“The supplemental referral recommends the filing of charges for Homicide and/or Reckless Imprudence Resulting in Homicide, as the evidence and applicable law may warrant.”
Ayon sa DOJ, isasama ang supplemental referral sa orihinal na referral ng CIDG na isinumite noong Hunyo 26, na patuloy pang sinusuri.
Nauna nang inirekomenda ng CIDG ang pagsasampa ng reklamo laban kay Baldwin at 11 iba pa, kabilang ang mga student manager at utility staff, dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act No. 11053 o Anti-Hazing Act.
Trending
- Filipinas hindi pinaporma ang Hong Kong 2-0
- Rain or Shine pinalawig ang kontrata ni Guiao hanggang 2030
- Ellen nagpasampal sa paldong sustento ni John Lloyd
- Isyu kina Claudine at Tulfo, naungkat; Aktres, nagpaliwanag
- Glaiza, flinex ang pagbubuntis
- 2 katao huli sa P9.53m exotic wildlife sa Surigao Port
- 4 terorista patay sa bakbakan sa Bangsamoro area
- 4 estudyante todas sa leptospirosis sa Bulacan
