Pareho umanong kinausap ni Christopher De Leon ang nag-aaway na magkapatid na Ian at Lotlot.
Sa interbyu ni Ogie Diaz, sinabi ni Christopher na magkahiwalay niyang kinausap ang magkapatid.
“Nakausap ko na silang dalawa, hiwalay. At ayokong makialam because ang pinag-aawayan nila ay the mom, the mother.”
Lalong ayaw umanong makialam ni Christopher dahil may kinalaman sa pera ang isyu.
“At ang pinag-aawayan nila ay a sort of foundation na involves… funding,” ani Christopher.
“Pag ganyan ayoko makialam.”
Sinabi pa ni Boyet na never naman siyang nakialam kahit noong burol at libing ni Nora Aunor.
“I was just quiet, I was just there… hindi ako ‘yung showbiz na tatay nandito na ako sa stage ng buhay ko na bakit ako tatalak bakit ako magsasalita ng mga bagay na ipapaalam sa lahat. Di ba kung meron akong gustong sabihin, sasabihin ko nang diretso,” aniya pa.
Naniniwala si Boyet na sa kabila ng nangyayari kina Lotlot at Ian sa ngayon ay darating ang oras na magkakaayos din ang mga ito.
“May edad na ‘yang dalawa… one day magkakaayos yan. Hindi ko rin naman papayagang hindi magkaayos.
“Masyadong mainit lang ngayon kapag pumasok ka sa gulo lalong gugulo eh,” dagdag pa ng beteranong aktor.
=====
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

