Arestado ang isang Chinese national at talong Pilipino sa magkahiwalay na operasyon sa Bataan dahil sa pagbebenta umano ng mga hindi rehistradong insecticide.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), nagsimula ang kaso sa intelligence report mula sa isang confidential informant hinggil sa mga establisyemento na umano’y nagbebenta at namamahagi ng unregistered household aerosol insecticide.
Dahil dito, nagsagawa ng test buy ang NBI Bataan District Office at ipinasa ang mga nakuhang produkto sa Food and Drug Administration (FDA) para sa beripikasyon, kung saan nakumpirmang hindi rehistrado ang mga ito.
Noong Mayo 26, isinagawa ang entrapment at inspection operations sa dalawang establisimyento sa Orani at Abucay, Bataan.
Narekober sa operasyon ang mga unregistered household o urban hazardous product na tinatayang nagkakahalaga ng P120,000.
Iprinesenta na sa Office of the Provincial Prosecutor sa Bataan ang mga suspek para sa paglabag sa RA 3720 o The Food, Drug and Cosmetic Act na inamyendahan ng RA 9711 o Food and Drug Administration Act.
Trending
- NU target ang korona sa SSL Unity Cup
- Aby magreretiro na sa paglalaro ng volleyball
- Edu, may masakit na mensahe sa mga korap
- Kim, waging Best Global Star sa SoKor
- Priscilla, sinabihang may asim pa
- 19 pagyanig naitala sa paga-alboroto ng bulkang Mayon
- DILG, hinamon si Roque ilabas ang katibayan ng asylum approval
- DFA, tumangging magbigay ng detalye sa kinaroroonan ni Zaldy Co sa France
