Nanawagan ang China sa pamahalaan ng Pilipinas ng “immediately cease maritime infringement and provocation” sa pinag-aagawang West Philippine Sea (WPS), kasabay ng babala na maaari itong magpatupad ng “strong measures,” ayon sa Chinese Embassy spokesperson Ji Lingpeng nitong Linggo.
Ayon sa China, tugon ito sa naunang pahayag ng National Maritime Council ng Pilipinas na kumondena sa umano’y agresibo at delikadong kilos ng China Coast Guard, People’s Liberation Army Navy, Chinese Maritime Militia, at iba pang pwersa sa lugar.
Itinanggi ng Chinese Embassy ang mga alegasyon ng Pilipinas at sinabing ito ay “entirely fabricated” at layuning “smear China, confuse public perception, mislead public opinion, and deliberately tarnish China’s image.”
Giit pa ng China, ang kanilang mga aksyon ay alinsunod umano sa international law kabilang ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at inaakusahan naman ang Pilipinas ng paglabag sa soberanya at maritime rights ng China.
“China will never allow the Philippine side to act recklessly and will continue to take strong measures in accordance with law and regulations to firmly safeguard its territorial sovereignty and maritime rights and interests, as well as peace and stability in the South China Sea,” ayon sa embahada.
Binigyang-diin din ng China na dapat itigil ng Pilipinas ang mga “provocation” at bumalik sa “dialogue and consultation” para maresolba ang isyu.
Ang Pilipinas ay tinatawag ang bahagi ng South China Sea na nasa loob ng exclusive economic zone nito bilang West Philippine Sea.
Noong 2016, nagpasya ang isang international arbitral tribunal sa The Hague pabor sa Pilipinas at sinabing walang legal na basehan ang malawak na claim ng China, ngunit hindi ito kinilala ng Beijing.
Trending
- Kaila Estrada, Daniel Padilla wapakels pa rin sa mga viral photo na magkasama
- Julia Barretto aminadong nakadama ng pressure sa pagiging Barretto
- Ogie Alcasid ‘napikon’ kay Vice Ganda
- Higit P3.7m ilegal na gamot nasabat sa Lucena City
- Ammonia, tumagas sa ice plant sa Caloocan: 10 naospital, 90 inilikas
- 100 puno inatake ng peste
- Bagong laya todas, Pulis sugatan sa engkuentro sa Pasay
- 8 lugar tutustahin ng malaimpyernong damang-init
