Ipinagpaliban ng Commission on Higher Education (CHED) hanggang 2028 ang planong pagbawas ng General Education (GE) units sa kolehiyo.
Ito ay matapos tutulan ng mga guro, estudyante, paaralan, at iba pang sektor ang panukalang rebisyon sa kurikulum kaya wala muna umanong ipatutupad na pagbabago sa GE curriculum para sa lahat ng programa ngayong school year.
Ayon kay CHED Chairperson Shirley Agrupis, napagkasunduan ang desisyon matapos ang pagpupulong ng CHED, Department of Education (DepEd), Teacher Education Council (TEC), at EDCOM II.
Isa sa mga pangunahing kinuwestiyon ng iba’t ibang sektor ang planong bawasan ang kasalukuyang 36-unit GE curriculum tungo sa 18 units.
Nagbabala ang mga kritiko na maaaring bumaba ang kalidad ng tertiary education, lalo na sa posibleng pagtanggal ng mga asignaturang Filipino at Panitikan.
Nagkaroon din ng pangamba sa planong pagsamahin ang “Readings in Philippine History” at “The Life, Works and Writings of Jose Rizal,” dahil saklaw ito ng Republic Act 1425 o Rizal Law na nag-uutos ng pagtuturo ng mga kursong may kaugnayan kay Jose Rizal sa mga kolehiyo at unibersidad.
Orihinal na nakatakda ang pilot implementation sa school year 2026–2027, ngunit nilinaw ni Agrupis na wala nang pilot testing at mas bibigyan pa ng panahon ang pagsusuri sa mga hinaing at rekomendasyon ng mga stakeholder bago ito ipatupad sa target na taong 2028.
Trending
- Peabo Bryson pumanaw @ 75
- Keanna Reeves, mahilig sa bagets
- Jerald Napoles inintriga dahil ‘feeling pogi’
- Mga serbisyo inilapit ng DAR sa mga magsasaka sa Batangas
- Rep. Sandro Marcos, dawit sa nakatanggap umano ng maletang pera
- Cayetano, pinayuhan si Gatchalian: ‘Wait for your time’
- Tag-ulan sa PH, opisyal nang inanunsyo ng PAGASA
- 18 Ex-Marines, magpapasa ng bagong affidavit

