Hindi sapat ang pagkakaroon ng CCTV para matiyak ang seguridad ng isang tahanan kung walang taong aktibong nagmo-monitor dito, ayon sa security and risk management executive na si Augusto Cesar Esmeralda.

“Even if you pinuno mo ‘yung bahay mo, 100% coverage, meaning walang blind spot, then nobody is monitoring it, nagiging recording studio lang ‘yun,” ani Esmeralda.

Aniya, maaaring makatulong ang CCTV recordings sa imbestigasyon kapag may nangyaring insidente, ngunit mas magiging preventive ito kung nakikitang mino-monitor ang lugar.

“Because when you put a signage that this property is monitored by a CCTV, you’re declaring also that you’re giving consent that your personal data is already recorded,” dagdag niya.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng privacy sa paggamit ng CCTV at kailangang isaalang-alang na hindi itutok ang camera sa mga pampublikong lugar o ari-arian ng ibang tao.

Samantala, sinabi ni Esmeralda na hindi dapat ituring na kapalit ng tao ang makabagong teknolohiya gaya ng AI-powered cameras at smart locks.

“Technology and human beings should always complement each other. The technology or the smart systems doesn’t replace the human element,” sabi pa ni Esmeralda.

======

Share.