KINATIGAN ni Senador Grace Poe ang kautusan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon sa Toll Regulatory Board (TRB) na suspendihin ang implementasyon ng f cashless toll collection sa lahat ng expressways.
“The new DOTr secretary is heading in the right direction when he suspended the roll out of the full cashless payment on expressways,” ayon kay Poe matapos maitalaga si Dizon sa DOTr.
“The no-cash scheme is ideal, but it cannot be imposed until operators can guarantee that all defects in the system are fixed, such as malfunctioning booms, unreadable stickers and broken RFIDs,” dagdag ng senador na dating chairman ng Senate committee on public services.
Sinabi ni Poe na dapat may alternatibong pamamaraan ang motorista na magbayad ng cash sa oras na kakaibang pangyayari.
Aniya, hindi pa natutugunan ng operator ng expressways ang ilang isyung bumabalot sa electronic toll collection at operation, na nagsisilbing parusa ang no-cash system sa motorista.
Bukod dito, sinabi pa ni Poe na may parusa sa ilang paglabag sa kabila ng mga problema na kinahaharap ng RFID system ng tollways.
“Kapag wala kang RFID meron ka agad P1,000 na multa for the first offense, tapos 2,000 for second, tapos 2,500 tuwing may offense ka, eh hindi naman lahat makakuha ng RFID ka agad-agad,” pahayag ng senador.
Trending
- Bagyong Ada, no classes today
- Bagyong Ada, no classes today
- Kris nag-kritikal : Lungs pumalya
- Goitia: Disiplina ang Sandigan ng Republika
- Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan
- ₱1.5B Smuggling Bust ng PNP, Patunay ng Mas Mahigpit na Pagpapatupad ng Batas
- Goitia: Hindi Kayang Burahin ng mga Kuwento ng Tsina ang Karapatan ng Pilipinas
- Goitia: Sa West Philippine Sea, Hindi Nire-rebrand ang Soberanya
