Looking forward na si Carla Abellana to being a mom sa kanilang magiging anak ng kanyang doctor-husband.
In her post on Instagram, ibinahagi ng Kapuso actress ang kanyang walk-in closet sa bahay.
Doon din matatagpuan ang mga damit ng kanyang mister.
Sa isang bahagi ng vlog, Carla showed one portion of the closet where her husband’s tops are hung.
But this is not the only area reserved for his clothes as the rest of his apparel are inside their bedroom.
Nasa loob daw ng compartment under their bed ang iba pang mga gamit nito–all well secure.
Finlex din ni Carla ang kanyang pinakainiingat-ingatan Hermes bag na nasa taas ng cabinet.
Aniya, hindi daw niya ‘yon ginagamit, bagkus ay nandoon lang ito sa kinalalagyan nito.
Sa tindi nga ng pag-iingat ni Carla sa luxury bag niyang ‘yon ay may paper protection pa ang lock strap nito.
Obyus na unused ang naturang bag.
Sobra ngang iniingatan ‘yon ng aktres dahil pricey daw ito–so expensive na puwede itong maging sagot sa tuition fee ng kanilang magiging anak.
May ideya na raw ang mga manonood ng vlog na ‘yon how much her Hermes bag costs.
Trending
- Mayor na binazooka, humirit ng agarang imbestigasyon sa DOJ
- 5 NPA patay sa engkuentro sa Negros Occ.
- Tulay sa Davao, gumuho sa malakas na agos ng tubig
- NBI driver posibleng nadikitan lang ng gunpowder sa Senado – Matibag
- DILG, nilinaw kung bakit ‘di inaresto si Dela Rosa
- Giit ni Matibag: NBI ang inaatake, hindi Senado!
- NBI: Cyber warrant vs Franco Mabanta aprub na
- NBI may ‘leads’ na sa kinaroroonan ni Sen. Bato

