All’s well that ends well between Cacai Velasquez and Meralco.
Matatandaang nag-viral ang ipinost ng kapatid at business manager ni Regine Velasquez tungkol sa Meralco bill na umabot nang P94k plus bilang konsumo para sa isang buwan.
Pinagpaliwanagan naman si Cacai ng Meralco.
Sa kanyang Facebook account, nilinaw ni Cacai na hindi siya galit sa naturang electric company.
Nauunawaan daw niya ang umiiral na energy crisis.
Post ni Cacai: “Nagulat ako since ang previous billings namin since last year, consistently between P50-60k+ until March this year, then April tumaas ng 71k+.
“May naging 90k+ then June 94k+.
“Again, I know maraming factors sa pagtaas.”
At doon na napagtanto ni Cacai that Meralco was right all along.
Aniya: “Tama po ang sinabi nila within our usual consumption ang reading.”
Hindi na pinalagan ni Cacai ang iba pang charges.
In question sa kanya ang charges sa system loss at taxes more than the distribution charges.
“Sana wala na ‘yung VAT at iba pang charges na passed on sa consumers,” aniya.
Cacai is considering to have solar panels installed para makatipid.
Trending
- P1.3-m Ismagel yosi nasamsam sa Sarangani
- Pekeng water delivery boy nagnakaw sa faculty room
- ASEAN police, bubuo ng task force vs online scam
- Ginang huli sa pagpapakalat ng bomb threat sa iskul
- Bahay ni Torre sa Davao pinasok ng baha
- P2.5m iligal na mantika nasamsam sa Batangas
- Babaeng manager patay sa ambush
- Patrolman, arestado sa panggagahasa ng 14-anyos
