Ngayong Oktubre sais, dosmil beinte sais  ay nagsumite gamit ang electronic filing si Atorney Romulo Macalintal ng urgent motion sa Korte Suprema para humiling ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa pagpapatupad ng Republic Act Number one-two-three-two-six  na nagpaliban ng Barangay at SK Elections  mula Nobyembre dos dosmil beinte sais tungo sa  Nobyembre dosmil beinte otso.

Layunin nito na pigilan ang implementasyon ng naturang  sa pamamagitan ng TRO o status quo ante order.

Ang argumento ni Macalintal ay dahil ang postponement ay “endless extensions” at dalawang beses nang naurong ang BSKE sa loob ng labintatlong  buwan at hindi makatarungan ang katwirang ililiban ang eleksiyon dahil sa pagsugpo ng krimen at iba pang trabaho ng barangay officials dahil normal na tungkulin nila ang mga ito.

Nilalabag ng naturang batas ang karapatan sa pagboto at ang one‑subject, one‑title rule ng Konstitusyon.

Nauna ditto, nagsumite na ng kani‑kaniyang tugon ang Office of the President, Senado, Kamara ng mga Representante, Comelec, at Solicitor General sa Korte Suprema kaugnay ng petisyon ni  Macalintal na ibalik ang Barangay at SK Elections sa Twenty Twenty Six.

Giit ng mga respondent, lehitimo ang batas na nagtakda ng halalan sa Dosmil Beinte Otso at limang taong termino ng mga opisyal.

Naniniwala sila na ito ay  lehitimong paggamit ng kapangyarihan ng Kongreso.

Habang nakabinbin ang desisyon ng Korte Suprema, nananatiling tanong ng bayan: “Karapatan ba ang boto o gastos lang sa mata ng batas?”

Ayon kay Macalintal, dahil binigyan lamang ng non‑extendible five‑day period ang mga respondent para magsumite ng komento, posibleng maglabas ng desisyon ang SC sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.

Share.