Nasawi ang isang incumbent barangay chairman nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Purok 3, Barangay Bannawag, President Quirino, Sultan Kudarat, nitong Agosto 24, 2026.
Kinilala ang biktima bilang si Bernaned Acosta Barua, 53-anyos, incumbent barangay chairman ng Barangay Bannawag.
Batay sa paunang imbestigasyon, kasalukuyang kumakain si Barua kasama ang kanyang asawa at isa pang kasama malapit sa kanilang sari-sari store nang lapitan umano ng dalawang lalaking kapwa nakasuot ng itim na jacket at bonnet.
Walang sabi-sabing pinaputukan umano ng mga suspek ang biktima bago mabilis na tumakas sakay ng itim na Suzuki Raider 150 na walang plaka patungo sa direksyon ng Barangay Malingon.
Patuloy ang isinasagawang hot pursuit operation at imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at alamin ang motibo sa pamamaril.
Inaalam pa ng pulisya ang iba pang detalye kaugnay ng insidente.
Trending
- Mindoro vs Carlos Ocampo sa Sabado Agosto 29
- PH tankers nagbulsa ng 2 bronzes sa pagtiklop ng 4th SEA Open Water meet
- ‘The best show’: Andrew E. niregaluhan ng Hermes ng concert producers sa Arizona
- Rey Pumaloy kamukha ng bebot sa ‘Miss Q and A’ ayon kay Vice Ganda!
- Vice Ganda tinapos na ang 6 taong pahinga, may pasabog sa Setyembre
- Pinay caregiver pauwi na ng Pinas, patay sa karambola sa Taiwan
- Brgy. chairman tinodas sa tindahan
- Pag-aaspalto sa EDSA, nagdulot ng mabigat na traffic; Kontraktor, pagmumultahin
