Ayaw pang banggitin ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda kung sino ang makaka-collab niya sa darating na Metro Manila Film Festival 2026.
Last year, ang entry na pelikula ni Vice sa MMFF ay ‘yung Call Me Mother, directed by Jun Robles Lana.
Bukod sa ang nasabing pelikula ang top-grosser sa lahat ng pelikulang naglaban-laban sa MMFF 2025 ay wagi pa si Vice bilang Best Actor sa Gabi ng Parangal ng taunang film festival.
“Nakailang meeting na rin naman kami. Nagbe-brainstorm kami every now and then. Bongga yung ka-collab ko this time,” sabi ni Vice.
Pero may mga lumalabas na chika na ang makakasama ni Vice para sa MMFF 2026 ay si Vic Sotto pero mukhang ayaw itong i-preempt ng Unkabogable Star.
“Hindi ko alam. Hindi ako masyadong nagbabasa lately. Basta, isa siyang pasabog na collab.”
Basta ang sinisiguro ng Unkabogable Star ay bonggang-bongga ang makaka-collab niya at first time raw itong mangyayari sakaling pumasok ang pelikula nila sa MMFF 2026.
“Yeah, oo. E, kasi yun din naman… siyempre ang tagal ko na rin namang nagso-solo movie. So excited din yung mga tao na makita kung sino yung ibang puwede ko pang makasama sa pelikula,” sabi pa ng “It’s Showtime” host.
Trending
- Bossing, ka-collab ni Vice sa MMFF 26
- Kobe, tinawag na ‘tita’ si Marian
- Best friends can also “betray” you
- Foreign riders nangibabaw sa Stage 1 ng Tour of Luzon
- ICC magdaraos ng status conference sa Mayo 27
- Pagpapatuloy ng power spot market ops ipinag-utos
- Mas matibay na bilateral relations sa Oman isusulong
- Kitty : ‘Di magnanakaw ate ko

