Muling pinatunayan ni Blackpink member Jennie ang pagiging “Global It Girl” matapos siyang ianunsiyo bilang pinakabagong global ambassador ng luxury eyewear brand na Ray-Ban.
Si Jennie ang magiging mukha ng main line ng brand at ng kanilang Meta collection, na kinabibilangan ng AI-powered glasses.
Ang kolaborasyong ito ay bahagi ng kampanyang “Styles for Unfiltered Confidence”.
Tampok sa nasabing campaign ang Ray-Ban Meta Blayzer Optics, isang AI-powered smart glasses na idinisenyo para sa prescription use.
Inaasahang magiging available ang koleksiyong ito simula Abril 14.
Kasama rin sa iba pang style na ipapakita ni Jennie ang Daddy-O, Alix Bio-Based at ang klasikong Aviator Optics.
Trending
- ALL-SAINTS DAY : NCRPO READY SA SEGURIDAD
- Navotas City: New service vehicle ng NPC pinasinayaan ni Mayor Jhon Rey Tiangco
- SEXUAL ASSAULT : 2 SUSPECTS DINAKIP
- Cabanatuan City, nurse natagpuang patay sa kanyang Bahay
- 2 tulak natimbog
- NANGDEKWAT SA KOREANO ARESTADO, BARIL AT GRANADA NAKUMPISKA
- City of Manila: May apat na parangal
- Pekeng PWD ID users binalaan

