Pormal nang nagretiro si Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief Director Ruel Rivera matapos ang 31 taon sa serbisyo publiko.
Isinagawa ang retirement parade ni Rivera noong Hunyo 11 sa Camp Vicente Lim sa Laguna.
Sa kanyang pahayag, nagpasalamat si Rivera sa mahigit 26,000 kawani ng BJMP at kinilala silang tunay na dahilan ng tagumpay ng ahensya.
“All reforms that took root in this bureau grew from your sacrifice, your sleepless nights, your missed birthdays, and your willingness to show up again and again for a job that the world too rarely applauds,” ani Rivera.
“Your sacrifice and love for your work are the reason for BJMP’s success in recent years,” dagdag pa niya.
Hinikayat rin niya ang mga tauhan na ipagpatuloy ang balanseng pagpapatupad ng disiplina at malasakit sa kanilang tungkulin.
Ibinahagi rin ni Rivera na ang kanyang mga prinsipyo sa pamumuno ay nahubog ng kanyang pagiging miyembro ng Free and Accepted Masons of the Philippines, kung saan natutunan niya aniya ang kahalagahan ng integridad, serbisyo, at paggalang sa dignidad ng tao.
Si Rivera ay miyembro ng PNPA “Patnubay” Class of 1995 at nagsilbing BJMP chief mula Hunyo 2023.
Bagama’t umabot na siya sa mandatory retirement age noong Enero 2026, pinalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang termino hanggang Hunyo 2026.
Sa ngayon, wala pang inaanunsiyong kapalit sa kanyang posisyon.
=====
Trending
- DENR, iimbestigahan ang mga naiulat na earth-balling activities
- PhilHealth, healthcare provider, palalakasin ang Universal Health Care
- 3 tulak tiklo, P13.6m shabu nasamsam sa Zambo
- Salpukan ng 2 trailer trucks: 1 patay
- Bebot huli nang kumubra ng P38m corporate funds
- Tulay sa Maasim winasak ng malakas ng ulan
- Taxi na dugyot, lagot sa LTFRB
- MILF commander pinaulanan ng bala sa loob ng bahay
