Hindi lang si Ivana Alawi ang pinagtataasan ng kilay bilang ka-tie ni Kara David sa Best Public Service Show Host sa 1st FAMAS Broadcast Arts Awards, kundi si Cong TV din.
Kinabog ng nasabing vlogger si Michael V sa Best Comedy Show category.
Nasungkit din ni Cong TV ang breakrhrough award.
“Luz Valdez” nga si Bitoy bilang Pepito Manaloto!
Marami nga ang nagtataka’t nagtatanong: anyare?!
Narito ang ilang hanash ng mga netizens: “Insulto ‘yan, ha?!”
“Imagine, walang binatbat ang Bubble Gang at Pepito Manaloto? Grrrr!”
“Hindi ba’t nakakaloka ang biggest surprise na ito? Anong batayan?”
“Cong TV is not even funny!”
“Paano ito nanalo? Paki-explain, please lang!”
“Is this real???”
“Sana may hiwalay na award na lang for the vloggers…minix-mix nila ang mga shows!”
”’Yung pinaka-corny pa talaga ang nanalo, ha?!”
Well, it’s no surprise dahil as always naman ay “in question” na ang mga ipinapanalo ng FAMAS.
====
Trending
- NU target ang korona sa SSL Unity Cup
- Aby magreretiro na sa paglalaro ng volleyball
- Edu, may masakit na mensahe sa mga korap
- Kim, waging Best Global Star sa SoKor
- Priscilla, sinabihang may asim pa
- 19 pagyanig naitala sa paga-alboroto ng bulkang Mayon
- DILG, hinamon si Roque ilabas ang katibayan ng asylum approval
- DFA, tumangging magbigay ng detalye sa kinaroroonan ni Zaldy Co sa France
